OMG! SINISI ni Claudine Barretto si John Estrada sa pagpapakalat ng mga kontrobersyal na larawang ‘lalaki ka ba talaga’

OMG! SINISI ni Claudine Barretto si John Estrada sa pagpapakalat ng mga kontrobersyal na larawang ‘TOTOONG lalaki ka ba’

Sinisisi ni Claudine Barretto si John Estrada sa sirkulasyon ng mga kontrobersyal na larawan

Sabi ni Claudine, tama lang na humingi ng tawad si John.

“I really pray na hindi ko mabunggo si John soon or in the near future. Ewan ko na lang kung ano ang magawa ko!” sabi ng nagngangalit na si Claudine Barretto tungkol kay John Estrada, na sinisisi niya sa paglaganap ng mga kontrobersyal na larawan ng kanyang kapatid na si Gretchen at ng aktor.

Galit na galit si Claudine Barretto nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagkakalat ng kontrobersiyal na larawan kung saan magkalapat ang mga labi ng ate niyang si Gretchen Barretto at si John Estrada.

Ayon kay Claudine, responsibilidad daw ni John ang ingatan ang ganito ka-sensitibong litrato, lalo na ang cell phone ng aktor ang ginamit sa pagkuha ng mga nasabing larawan.

“Telepono na niya ‘yon, e. I don’t understand the point kung bakit may mga lalaki na dapat magtago ng mga pictures na ganyan. Kung talagang gusto niyang itago ‘yon at wala siyang planong i-erase ‘yong ganyang pictures, sana ipa-blow up na lang niya at inilagay sa picture frame! Kasi aanhin niya ‘yon, ipagyayabang ba niya?” Nagpupuyos sa galit si Claudine.

Không có mô tả ảnh.

Apektado si Claudine dahil babae ang kapatid niya. Ang ipinanggigigil daw niya ay kung bakit tila si Gretchen lang ang apektado sa isyung ito.

“Buti sana kung lahat apektado. Si Gretchen ang nasa harap, e, siya ‘yong dyina-judge. It’s always ang babae naman, siya ang victim dito. Hindi ko sinasabing tama kung ano man ‘yong ginawa nila na lumabas sa pictures. Mas mali ‘yong intensyon na itinago mo tapos lumabas,” himutok ni Claudine, na nasa last-term na ng kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng asawa niyang si Raymart Santiago.

Nag-sorry na si John Estrada kay Gretchen at sa mga mahal nito sa buhay noong Lunes, June 11, sa pamamagitan ng isang press statement. Ano ang masasabi ni Claudine dito?

“Dapat naman, e, di ba?” aniya. “Hindi ba dapat siya [mag-sorry] after everything? Kaya lang, dapat first day pa lang, lumabas na siya, nagsalita na siya. Pero hindi siya mahanap.”

Nalulungkot daw si Claudine para sa mga apektado ng isyung ito, lalo na ang mga mahal niya sa buhay.

“Hindi biro! Nasa Internet ‘yan, e. Nag-i-Internet na ‘yong pamangkin ko, di ba?” pagtukoy niya sa anak ni Greta kay Tonyboy Cojuangco na si Dominique.

“Ang huling balita ko kay Ate ko,” patuloy niya, “hindi siya nakakatulog at hindi rin siya nakakakain. Sobra siyang nabalisa sa mga nangyayari. Last Friday [June 8] nakausap ko siya at nagsabi siya sa akin tungkol sa isyu. Hindi niya pinapahalata, pero alam ko ang nararamdaman niya. Ayaw niya lang akong maapektuhan dahil pregnant ako.
Không có mô tả ảnh.

“I really pray na hindi ko mabunggo si John soon or in the near future. Ewan ko na lang kung ano ang magawa ko!” ang sabi ni Claudine nang hingan namin ng mensahe para kay John.

Matatandaang nitong ilang taon na nagkabati sina Claudine at Gretchen pagkatapos ng ilang taong hindi nakikipagkaibigan. Ngayong ayos na ang lahat sa pagitan nila, ipinapakita lamang ni Claudine ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang kapatid.

Samantala, hindi pa rin daw alam ni Claudine ang tungkol sa annulment case na isinampa ng isa pa niyang kapatid na si Marjorie Barretto para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Dennis Padilla.

“Ewan ko, di ko alam ang mga nangyayari sa mga kapatid ko… Hay, naku!” patawang sinabi ni Claudine.

“Kahit anong mangyari, siya [Dennis] magiging bahagi ng pamilya namin. Mahal namin siya. We’re still praying na maayos lang lahat,” pagtatapos ni Claudine.

Related Posts

Our Privacy policy

https://todayshow24h.com - © 2025 News